Ang Buhay Ko at ang Full-Time Job ng Kamalasan

 May mga taong nasasabi, “Balanse ang buhay, pre. May saya, may lungkot. May araw, may ulan.”

Sa kanila siguro. 

Sa akin, parang may favoritism ang universe.

Buti pa ang malas, loyal na loyal. Araw-araw present, walang absent, walang VL, walang SL, walang emergency leave. Kahit Holy Week, nandiyan pa rin, masipag. Parang empleyadong may tenyur na at alam na hindi siya matatanggal kahit anong mangyari.

Ang suwerte naman? Parang ex na may bagong jowa—biglang magpaparamdam, pero ambon lang. Yung tipong babasain ka nang kaunti para maalala mo siya, tapos biglang aaraw na naman. Iiwan ka pang basa, nilalamig, at nagtatanong kung bakit ka na naman pinaasa..

Kaya ganito ang routine ko tuwing umaga:

Gigising kang motivated, puno ng vision board energy. “Today, I will conquer…” 

Tapos pagpasok sa banyo—walang tubig. 

Parang sinasabi ng mundo: “Wag kang assuming, ha?” Napakagandang paraan para ipaalala sa iyo na huwag kang masyadong excited.

Kaya ayan ka na, naka-uniform, naka-pabango, plantsado ang polo, pero ang kilikili mo may microclimate na. May sariling low-pressure area. Yung tipong kapag nag-angat ka ng kamay, parang may babala sa Doppler radar.

Paglabas ng bahay, akala mo babawi ka na sa biyahe. 

Pero hindi.

Walang masakyan. 

Puno ang dyip na parang sardinas na may anxiety. Lumagpas ang bus na parang walang nakita. May tricycle nga, pero parang exhibit sa museum: “Huwag hawakan, display lang.”

Kapag sinuwerte kang makasakay, malamang ang driver ay gold medalist sa Slow Motion Olympics. Parang sinadya niyang i-enjoy ang tanawin ng EDSA habang ikaw naman ay unti-unting namamatay sa loob.

Minsan naiisip ko: kung tumakbo na lang ako papuntang opisina, baka naka-time in pa ako nang maaga at may libre pang stretching at cardio.

Pagdating sa opisina—hingal, pawis, emotionally bankrupt—late ka pa ng isang minuto.  

Isang minuto lang. Sa normal na tao, 60 segundo lang yan. Sa kumpanya namin, katumbas na iyon ng pambansang kasalanan. Kapag late ka at kung masumbatan, para kang banta sa ekonomiya ng bansa.

At siyempre, nandoon si Boss sa pintuan, arms crossed, mukha parang customs officer na may personal na galit sa’yo.

    Bakit late ka?”

Gusto kong sumagot nang tapat:

    Sir, tao lang po ako. Commuting version lang po ng mga nakakataas na may             sariling sasakyan—yung nasakyan walang turbo mode, tapos bawat sakayan             may side quest pa.”

Pero siyempre, empleyado tayo. Kaya ang nasambit:     Traffic po kasi, Sir.” Tumitig siya na parang ako personally ang cause ng traffic.     Traffic? Araw-araw naman may traffic.” Gusto kong sabihin:     Exactly, Sir. Consistent po siya. Unlike sa increase.” Pero pinili kong magpatuloy bilang empleyado.     Sorry po, Sir.” Sabi niya, “Agahan mo kasi alis mo.” Ah oo nga no. Bakit nga ba hindi ko naisip umalis kahapon?

Pagbukas mo ng payslip, may suspense.

    Basic pay: present.
    Allowances: present.
    Pagkatapos deductions: surprise package.

May kaltas para sa late. May kaltas para sa loan. May kaltas para sa inutang mong load noong panahong marupok ka at may ka-text ka pa. May kaltas para sa t-shirt na binili mo sa officemate na may sideline boutique. May kaltas para sa noodles, patis, asin, suka, at galunggong na binili mo sa isa pang officemate na may rolling grocery.

Sa opisina namin, kulang na lang tumilaok ang manok para kumpleto na ang palengke.

    May nagtitinda ng damit.
    May grocery section.
    May seafood lane.
    May lending corporation.

 At may HR na hindi mo alam kung tao ba o sadya lang walang puso.

Pagdating sa dulo ng payslip, makikita mo ang totoong twist: Net Pay: -1,500

Negative.

Imbes na ikaw ang sasahod, ikaw pa ang may utang.

Hindi payslip ang natanggap ko. Statement of account.

Kung exam ito, matagal na akong bagsak. Yung tipong may remarks pang: Needs improvement. See parent/guardian.

Paglabas ng opisina, akala mo tapos na ang suffering. 

Hindi pa pala.

Nandoon ang barkada. 

    Pre, kahit isang case lang.”

Alam naman nating lahat: “isang case” sa Pilipinas ay katumbas ng “sandali lang” sa inuman. Walang expiry.

Kahit negative na ang account mo, mapapasama ka pa rin. Kasi mas madaling tumanggi sa bangko kaysa tumanggi sa tropa.

    Lista mo muna, Manang.”

Tatlong salitang sumisira sa financial future ng maraming Pilipino.

At siyempre, hindi puwedeng beer at Oishi lang. Dapat yung pulutan ‘Huling Hapunan’ levels—yung paglapag pa lang sa mesa, biglang magse-send ng push notification ang life insurance mo: ‘Ma’am/Sir, gusto n’yo pa bang ituloy?’ Sisig, liempo, chicharon bulaklak—yung tipong bawat kagat may kasamang Terms and Conditions ng St. Luke’s, tapos sa dulo may checkbox: ‘I acknowledge I am emotionally prepared for regret.’ At syempre waiver of rights na rin para hindi mademanda ang cardiologist mo… kasi alam niyang tinahak mo ’to nang kusa, hindi na siya liable sa mga desisyon mo sa buhay.

Pag-uwi mo ng bahay, madaling araw na. 

    Kakatok ka. Walang sumasagot.     Tatawag ka. Walang sumasagot.     Sisigaw ka. Walang sumasagot.

Ang mga magulang ko, pag nakatulog, parang nasa coma. Kahit mag-crash pa ang eroplano sa bubong, hilik pa rin ang maririnig mo. Olympic-level sleeping champions.

Kaya sa veranda ka na naman matutulog. Sa monoblock chair. Yung tipong gigising kang parang na-aksidente sa boxing—stiff neck, hangover ng kaluluwa, at tanong sa sarili: “Bakit pa ako nabuhay? May existential crisis ang pu--!.

At doon mo maiisip: 

    Hindi ako umiinom ng alak.     Ako itong iniinom ng buhay.

Pero bukas, babangon ka pa rin. 

    Papasok ka pa rin.     Ngingiti ka pa rin.

Kasi Pilipino tayo. Sanay sa gulo, bihasa sa diskarte, at world-class sa pagtawa kahit kinakagat na ng realidad sa pwet.

At kung bitin ‘tong kwento ko… 

Huwag kang mag-alala.

Ipapasa ko na lang sa’yo ang malas ko. 

Libre. Walang resibo. Tanggapin mo na lang nang buong puso.

Welcome to the club, pare. 

May membership card na tayo pareho—walang expiry, walang cancellation policy.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba PilyongPino?

Panimulang Bati

When Private Drama Becomes National Entertainment